Madalas marami tayong mga bagay na pinagsisisihan. Yung mga bagay na sana nagawa mo na dati pero ngayon mo lang naisipang huli na. Kung kelan hindi mo na kayang gawin kasi wala ka ng karapatang gawin. Mahirap nga kapag nagsisi ka na, pero pero gusto mo pa ring gawin kahit di na pwede. Naku! Magulo! Sabagay, magulo nga din naman ang buhay. Kung minsan pabor sa'yo ang mga nangyayari, kung minsan naman pinagkakaitan ka na ng tadhana. Pero kahit ganoon, masasabi ko rin na maswerte ako kasi isa ako sa mga taong umaasa na bumait pa ang tadhana. =)
Bakit nga ba minsan pabalik ang pag-iisip natin? Yung tipong nabubuhay tayo sa anino ng nakaraan...nakabaon, nakakulong at nakabitin. pwede namang kumawala at lumipad patungong hinaharap. Kelan lang, nabulabog ako ng isang reyalisasyon. Marami pala akong sinayang na pagkakataon. May mga bagay na kasing dati ay abot kamay ko lang pero di ko sinalo tapos ngayon, hinahanap hanap ko na. Sana pala mas masaya ako ngayon. Pero sabi nga ng isa sa paborito kong awtor, ang tao kapag nahanap na ang kapalaran at kasiyahan, mawawalan na rin ng saysay ang buhay. =) Kaya, hangga't meron pang panahon, maikli man o mahaba pa, kailangang maging positibo. Kailangang merong bisyon at misyon para maging makahulugan ang buhay.. =)
Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts
Wednesday, June 16, 2010
Regrets...kill! (Pagmumuni-muni)
Friday, January 1, 2010
Bus Trip...=)
Happy New Year nga pala sa lahat. Bago ako mag-post ng mga bagong post for this year, kwento ko muna iyong mga di ko pa natatapos na kwento.
I just can't help to share this one. Habang papunta kami ng palengke ng Salinas, super traffic na naman. At dahil sa traffic na iyon, nabagot, nainis at nagkwentuhan ang mga sakay ng bus. And the most funny part is... ganito kasi 'yon:
Merong isang bakla na nagtatanong sa katabi niya kung saan ang Pandawan. Eksakto taga-dun iyong napagtanungan niya at tinuruan siya papunta dun. Ayos na sana... maya maya, napansin ko na nagkekwentuhan na sila at super lakas lakas pa ng boses. Nakakarindi nga eh... hanggang sa nagkwento na yung bakla tungkol sa buhay niya... kung anong gagawin niya s Pandawan, kesyo kukunin daw niya yung pamangkin niya kasi pag-aaralin daw nila kasi nakakaawa naman daw, kesyo, yung mommy niya daw eh galing sa Amerika, yung ate niya nasa ibang bansa din na nakaasawa ng mayaman na nagtatrabaho sa ABS-CBN,at kesyo teacher daw siya.
Hanggang... napunta ang usapan sa mga teenagers na nagsisimbang-gabi este nagsisimbang-tabi pala.
Nagkwento siya na pag nalabas daw siya ng simbahan pagkatapos ng simbang-gabi, marami daw siyang nakikita sa mga tabi-tabi na nagdedate. At syempre, di nakatiis iyong katabi ko sa upuan. Nakihalo na din dun sa mga nagkekwentuhan. At nakwento niya din na lagi niya daw pinagsasabihan yung mga anak niya, nakwento din niya yung mga panahong tumatakas pa daw siya sa nanay niya nung araw at dumadaan pa sa bintana para hindi mahalata, nakwento din niya kung pano niya pinapagalitan yung anak niya. Hay naku! Kung pwede nga lang lakarin na lang ang palengke eh ginawa ko na sa sobrang rindi sa mga taong to...haha! Ayun... nang makaurong-urong yung bus. Bumaba na lang kami... grabe kasi talaga ang hangin pa nung bakla. =) =)
Second bus trip
Destination: SM Bacoor
Destination: SM Bacoor
Ayun... nung hapon na, nagpunta kami ni Ren-Ren ng SM para bumili ng libro (yung 1984 ni toinkz). At habang nasa bus kami, may experience na naman akong parang ewan...haha. Andun kasi azko nakaupo sa unahan sa left side tapoz may isang pamilya na nakaupo sa tapat ko. Isang nanay na may kargang maliit na bata tapos sa tabi niya tatlo pang maliliit na batang mga nasa edad 7, 6, at 5. Nakakaawa kasi yung nanay saka yung mga anak niya kaya ayun kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Gumawa na ako ng sarili kong kwento tungkol sa kanila. AT ganito iyon:
(1) Siguro, lumayas yung nanay na ito sa kanila kasi nag-away sila nung asawa niya at dinala niya yung anak nila (mukha kasing ganun eh--peace)
(2) Siguro, pupunta siya sa mga magulang niya para dun mag-celebrate new year.
(3) O kaya naman, baka galing sila sa isang lugar at namasko at ngayon, pauwi sila sa kanila.
(4) Maya maya, sumakit yung tiyan nung batang babae, sa loob ko baka may sakit yung bata sa pag-ihi, o baka nagugutom lang, o baka nasobrahan ng kain at nag-dadiarrhea =)
(5) Feeling ko talaga lumayas sila eh o kaya naman wala talaga silang pupuntahan.. haha.. .ewan! naloka nga ako dun eh.
At pagkatapos nun, lumipat na sila dun sa likod. hehe
Ayun, na-share ko na lahat... Grabe... Ibang klase talagang Bus trip toh.=)
Monday, November 30, 2009
Kariton ni Kuya Ef
Nakakataba ng puso na nagmula sa sarili kong bayan (Cavite City) at produkto ng luma kong paaralan (San Sebastian College-Recoletos) ang kasulukuyang tinanghal na CNN Hero of the Year. Si Efren PeƱaflorida o mas kilala sa tawag na Kuya Ef.Sa bawat pagsubok ng buhay, ikinintal ni Kuya Ef sa ating mga puso at isipan na hindi sagabal ang kahirapan upang makamit ang edukasyon. Naging produkto ng diskriminasyon at pangungutya, hindi siya nawalan ng pag-asa upang makamit ang kanyang pangarap. At sa kabila ng pagsubok na ito, nabuo sa kanyang damdamin ang nahimbing na ambisyong tumulong sa mga kagaya niya. Inilunsad niya ang Dynamic Teen Company (DTC) na naglalayong tumulong sa mga kabataang hindi nabigyan ng oportunidad na makatungtong ng paaralan sa pamamagitan ng kariton at pagtuturo sa kalye. At sa bawat pag-usad ng kariton ni Kuya Ef, maraming kabataan ang natutulungan. Katangi-tangi ka Kuya Ef. Pinatunayan mo na determinasyon, tatag ng loob at tuwid na prinsipyo ang solusyon.
Tunay ngang nararapt kang tanghalin na isa ng bagong BAYANI.
Wednesday, November 18, 2009
Catching a Falling Star
Meteors... stars... meteorites.
Nakakatawa. Tumambay na naman ako kagabi sa dati kong tambayan. Sa ibabaw ng bubong habang nakahiga at nakatingin sa kawalan. Parang 'yung dating gawi lang. Nakatunganga at nag-iisip ng mga kasentimental-an. Oo nga pala. Nagkaroon ng meteor shower kagabi. Syempre, nag-abang ako. Madami-daming wish din iyon. Nakakatawa. Nag-aabang ako ng meteor shower para lang matugunan 'yung mga wish ko. Totoo kaya iyon? Simula noong natuto akong maglakad at magkaisip, lagi na ako nag-aabang ng shooting stars.Nakakahiya nga lang, inaasa ko sa shooting star ang kapalaran ko. Baka sakaling matupad ang mga wish ko. . . (kasali ka doon). Inabot ako nang madaling araw. Nahamugan na at sinipon. Marami rin akong nahuli. Ang saya. At dinalaw na nga ako ng kaibigan kong antok. Pumasok na ko sa kwarto ko. Subalit di rin siya nagtagal, bumisita lang pala. Badtrip. Si insomnia naman ang pumalit at nagkadaupang-palad nga na naman kami ulit. Kaya ngayon, para na naman akong bangag. Hayyy... Oo nah. Ganun na nga. Nag-emo-emohan na naman ako ulet.
Tungkol sa:
anything goes,
emo,
senti,
star,
tagalog,
walang kwenta
Tigang na Kaisipan
Tigang... ibig sabihin dehydrated.
O baka naman hypoxic. Maybe yes.
Nauubusan na nga ng hangin ang utak ko. Siguro kulang sa tulog.
Kulang sa tulog dahil maraming iniisip.
Iba-ibang tao, pangyayari, bagay-bagay. Kahit ano.
Ganyan ang senaryo ng utak ko kapag gabi.
Sabi ko nga, kung kelan tahimik at mapayapa ang kapaligiran,
doon sumisigaw ng malakas ang puso ko. Haha! So odd.
Wala na nga akong maisip na ilathala sa blog na 'to.
Pero pinipilit kong pigain hanggang sa maging tigang na nga.
O baka naman hypoxic. Maybe yes.
Nauubusan na nga ng hangin ang utak ko. Siguro kulang sa tulog.
Kulang sa tulog dahil maraming iniisip.
Iba-ibang tao, pangyayari, bagay-bagay. Kahit ano.
Ganyan ang senaryo ng utak ko kapag gabi.
Sabi ko nga, kung kelan tahimik at mapayapa ang kapaligiran,
doon sumisigaw ng malakas ang puso ko. Haha! So odd.
Wala na nga akong maisip na ilathala sa blog na 'to.
Pero pinipilit kong pigain hanggang sa maging tigang na nga.
Noong mga nakaraan araw, madami akong nabasang blogs na nakapagbigay sa akin ng inspirasyon na maglathala ulit ng mga akdang walang patutunguhan. Non-sense ika nga. Pero ayos na yun, at least may humor.☺Kaya eto, nakapag-post ulet ako. Mas masarap palang gamitin ang sariling lengwahe. Madaling sabihin, madaling maiintindihan. Muntik ko nang makalimutang Pilipino ako. Dati ko namang hinahabi ang mga akda kong walang kwenta sa salitang ito, naimpluwensiyahan lang ako. Parang nung dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Ah basta, mahina nga pala ako sa History. Hanggang dito na muna, kailangan ko nang ipahinga ang utak kong tigang sa walang kwentang kapararakan. Ciao!
Tungkol sa:
anything goes,
life,
love,
tagalog,
walang kwenta
Subscribe to:
Posts (Atom)