Thursday, August 11, 2011
30-day Blog Challenge
Friday, January 1, 2010
Bus Trip...=)
Happy New Year nga pala sa lahat. Bago ako mag-post ng mga bagong post for this year, kwento ko muna iyong mga di ko pa natatapos na kwento.
I just can't help to share this one. Habang papunta kami ng palengke ng Salinas, super traffic na naman. At dahil sa traffic na iyon, nabagot, nainis at nagkwentuhan ang mga sakay ng bus. And the most funny part is... ganito kasi 'yon:
Merong isang bakla na nagtatanong sa katabi niya kung saan ang Pandawan. Eksakto taga-dun iyong napagtanungan niya at tinuruan siya papunta dun. Ayos na sana... maya maya, napansin ko na nagkekwentuhan na sila at super lakas lakas pa ng boses. Nakakarindi nga eh... hanggang sa nagkwento na yung bakla tungkol sa buhay niya... kung anong gagawin niya s Pandawan, kesyo kukunin daw niya yung pamangkin niya kasi pag-aaralin daw nila kasi nakakaawa naman daw, kesyo, yung mommy niya daw eh galing sa Amerika, yung ate niya nasa ibang bansa din na nakaasawa ng mayaman na nagtatrabaho sa ABS-CBN,at kesyo teacher daw siya.
Hanggang... napunta ang usapan sa mga teenagers na nagsisimbang-gabi este nagsisimbang-tabi pala.
Nagkwento siya na pag nalabas daw siya ng simbahan pagkatapos ng simbang-gabi, marami daw siyang nakikita sa mga tabi-tabi na nagdedate. At syempre, di nakatiis iyong katabi ko sa upuan. Nakihalo na din dun sa mga nagkekwentuhan. At nakwento niya din na lagi niya daw pinagsasabihan yung mga anak niya, nakwento din niya yung mga panahong tumatakas pa daw siya sa nanay niya nung araw at dumadaan pa sa bintana para hindi mahalata, nakwento din niya kung pano niya pinapagalitan yung anak niya. Hay naku! Kung pwede nga lang lakarin na lang ang palengke eh ginawa ko na sa sobrang rindi sa mga taong to...haha! Ayun... nang makaurong-urong yung bus. Bumaba na lang kami... grabe kasi talaga ang hangin pa nung bakla. =) =)
Destination: SM Bacoor
Ayun... nung hapon na, nagpunta kami ni Ren-Ren ng SM para bumili ng libro (yung 1984 ni toinkz). At habang nasa bus kami, may experience na naman akong parang ewan...haha. Andun kasi azko nakaupo sa unahan sa left side tapoz may isang pamilya na nakaupo sa tapat ko. Isang nanay na may kargang maliit na bata tapos sa tabi niya tatlo pang maliliit na batang mga nasa edad 7, 6, at 5. Nakakaawa kasi yung nanay saka yung mga anak niya kaya ayun kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Gumawa na ako ng sarili kong kwento tungkol sa kanila. AT ganito iyon:
(1) Siguro, lumayas yung nanay na ito sa kanila kasi nag-away sila nung asawa niya at dinala niya yung anak nila (mukha kasing ganun eh--peace)
(2) Siguro, pupunta siya sa mga magulang niya para dun mag-celebrate new year.
(3) O kaya naman, baka galing sila sa isang lugar at namasko at ngayon, pauwi sila sa kanila.
(4) Maya maya, sumakit yung tiyan nung batang babae, sa loob ko baka may sakit yung bata sa pag-ihi, o baka nagugutom lang, o baka nasobrahan ng kain at nag-dadiarrhea =)
(5) Feeling ko talaga lumayas sila eh o kaya naman wala talaga silang pupuntahan.. haha.. .ewan! naloka nga ako dun eh.
At pagkatapos nun, lumipat na sila dun sa likod. hehe
Ayun, na-share ko na lahat... Grabe... Ibang klase talagang Bus trip toh.=)
Sunday, December 20, 2009
The Story of the Pencil
source: “Like the Flowing River” by Paulo Coelho
A boy was watching his grandmother write a letter. At one point he asked:
‘Are you writing a story about what we’ve done? Is it a story about me?’
His grandmother stopped writing her letter and said to her grandson:
I am writing about you, actually, but more important than the words is the pencil I’m using. I hope you will be like this pencil when you grow up.’Intrigued, the boy looked at the pencil. It didn’t seem very special.
‘But it’s just like any other pencil I’ve ever seen!’‘That depends on how you look at things. It has five qualities which, if you manage to hang on them, will make you a person who is always at peace with the world.’
‘First quality: you are capable of great things, but you must never forget that there is a hand guiding your steps. We call that hand God, and He always guides us according to His will.’
‘Second quality: now and then, I have to stop writing and use a sharpener. That makes the pencil suffer a little, but afterwards, he’s much sharper. So you, too, must learn to bear certain pains and sorrows, because they will make you a better person.
‘Third quality: the pencil always allows us to use an eraser to rub out any mistakes. This means that correcting something we did is not necessarily a bad thing; it helps to keep us on the road to justice.’
‘Fourth quality: what really matters in a pencil is not its wooden exterior, but the graphite inside. So always pay attention to what is happening inside you.’
‘Finally, the pencil’s fifth quality: it always leaves a mark. in just the same way, you should know that everything you do in life will leave a mark, so try to be conscious of that in your every action’
Monday, November 30, 2009
Kariton ni Kuya Ef
Nakakataba ng puso na nagmula sa sarili kong bayan (Cavite City) at produkto ng luma kong paaralan (San Sebastian College-Recoletos) ang kasulukuyang tinanghal na CNN Hero of the Year. Si Efren PeƱaflorida o mas kilala sa tawag na Kuya Ef.Sa bawat pagsubok ng buhay, ikinintal ni Kuya Ef sa ating mga puso at isipan na hindi sagabal ang kahirapan upang makamit ang edukasyon. Naging produkto ng diskriminasyon at pangungutya, hindi siya nawalan ng pag-asa upang makamit ang kanyang pangarap. At sa kabila ng pagsubok na ito, nabuo sa kanyang damdamin ang nahimbing na ambisyong tumulong sa mga kagaya niya. Inilunsad niya ang Dynamic Teen Company (DTC) na naglalayong tumulong sa mga kabataang hindi nabigyan ng oportunidad na makatungtong ng paaralan sa pamamagitan ng kariton at pagtuturo sa kalye. At sa bawat pag-usad ng kariton ni Kuya Ef, maraming kabataan ang natutulungan. Katangi-tangi ka Kuya Ef. Pinatunayan mo na determinasyon, tatag ng loob at tuwid na prinsipyo ang solusyon.
Tunay ngang nararapt kang tanghalin na isa ng bagong BAYANI.
Saturday, November 21, 2009
Precious that is Priceless
"There are things they don't know that we know because they are all after money."---Tanna ManKarangyaan...pera... yaman. Hindi maikakaila na umiikot ang mundo ng karmihan sa pera. Pera na nga ang nagpapatakbo ng buhay natin. Pera na nga. Kagaya ng pagsakay sa taxi, madali at kumbinyente kang makakarating sa patutunguhan mo, pero may kapalit na pera. Sa pagkain, pera narin ang solusyon para matugunan ang pagkalam ng sikmura. Ano kaya ang magiging hitsura ng mundo kung walang pera? Naalala ko sa isang programa ng Nat Geo Channel, may nagtanong sa isang native people tungkol sa pananaw nila sa same sex marriage. Sabi ng mga native, ang lalaki kung magpapakasal sa isa pang lalaki, eh hindi magkakaanak, ikinakasal ang isang lalaki at ang isang babae para magkaanak. Natawa ako sa sinagot nung nagtanong, sabi niya, "We are living individually. We are individualized people and we already have big population that is why we no longer need children. We are more into money." Bigla akong natauhan, pera na nga lang ba talaga ang mahalaga? Nakakapanlumo, pero iyon ang totoo. Mahirap mang aminin, pero iyon ang reyalidad. Naiisip ko kung paano ako mabubuhay kung walang pera, siguro walang pagkain, walang bahay, walang kuryente, walang pang-computer, walang pamasahe sa bus, walang pang-snack, walang pang-tuition, walang pang-date, walang pambili ng damit, wala na lahat... kasi lahat ng bagay sa mundo may katumbas na pera. Biglang sumagi sa isip ko, paano ba nabuhay ang tao bago pa nadiskubre ang pera? Nagkaroon tuloy ako ng migraine sa kaiisip.
Habang naghahanap ako ng programang pwedeng panuorin, nabaling ang atensyon ko sa Nat Geo Channel. Naaliw ako sa mga tribeman galing Tanna--isang isla na matatagpuan sa Timog ng Amerika. Dumayo sila at nakipagsapalaran sa Amerika para ipahayag ang isang napakahalagang mensahe---kapayapaan, pagmamahalan, at harmony. At sa paglalakbay nila, sa mayamang kontinente ng Amerika, marami silang natutunan sa liberal na kultura ng Amerika na taliwas sa kanilang naging kultura. Nakakapukaw ng damdamin. Meron pa palang grupo ng mamamayan sa mundo ang hindi silaw sa pera. Para sa kanila, ang munti nilang isla ay isa ng kayamanan. Lahat ng kailangan nila sa buhay ay matatagpuan na doon (sana doon ako nakatira). Sa kanila, lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. At dahil doon. nabubuhay sila ng payapa at masaya(sana ganoon din ang pananaw natin). Sa paglalakad nila isang araw sa New York, may nakita silang matandang lalaking pulubi at walang tirahan. Nakakapangdismaya...sa dami ng mga matataas na tower at buildings sa siyudad, bakit may mga tao pang walang tirahan? Parang dito sa Pilipinas, maraming building, condominiums, apartments at kahit nga mga bundok sinisira para tayuan ng building, eh bakit madami pa ring walang tirahan at nagkakasya na lang at nagtitiyaga sa barung-barong sa ilalim ng tulay at kahit sa gilid lang ng kalsada? Kung iisipin, simpleng bagay lang ito para sa ilan, ni hindi nga natin napapansin. Masyado kasi tayong mapagpahalaga sa pera. Pera na lang kasi ang mahalaga sa atin. Sana mamulat ang mga mata natin na hindi lahat ng bagay sa mundo may presyo, sabi nga nila, "the most precious things on earth are the ones that is priceless."
Wednesday, November 18, 2009
Catching a Falling Star
Nakakatawa. Tumambay na naman ako kagabi sa dati kong tambayan. Sa ibabaw ng bubong habang nakahiga at nakatingin sa kawalan. Parang 'yung dating gawi lang. Nakatunganga at nag-iisip ng mga kasentimental-an. Oo nga pala. Nagkaroon ng meteor shower kagabi. Syempre, nag-abang ako. Madami-daming wish din iyon. Nakakatawa. Nag-aabang ako ng meteor shower para lang matugunan 'yung mga wish ko. Totoo kaya iyon? Simula noong natuto akong maglakad at magkaisip, lagi na ako nag-aabang ng shooting stars.Nakakahiya nga lang, inaasa ko sa shooting star ang kapalaran ko. Baka sakaling matupad ang mga wish ko. . . (kasali ka doon). Inabot ako nang madaling araw. Nahamugan na at sinipon. Marami rin akong nahuli. Ang saya. At dinalaw na nga ako ng kaibigan kong antok. Pumasok na ko sa kwarto ko. Subalit di rin siya nagtagal, bumisita lang pala. Badtrip. Si insomnia naman ang pumalit at nagkadaupang-palad nga na naman kami ulit. Kaya ngayon, para na naman akong bangag. Hayyy... Oo nah. Ganun na nga. Nag-emo-emohan na naman ako ulet.
Tigang na Kaisipan
O baka naman hypoxic. Maybe yes.
Nauubusan na nga ng hangin ang utak ko. Siguro kulang sa tulog.
Kulang sa tulog dahil maraming iniisip.
Iba-ibang tao, pangyayari, bagay-bagay. Kahit ano.
Ganyan ang senaryo ng utak ko kapag gabi.
Sabi ko nga, kung kelan tahimik at mapayapa ang kapaligiran,
doon sumisigaw ng malakas ang puso ko. Haha! So odd.
Wala na nga akong maisip na ilathala sa blog na 'to.
Pero pinipilit kong pigain hanggang sa maging tigang na nga.
Noong mga nakaraan araw, madami akong nabasang blogs na nakapagbigay sa akin ng inspirasyon na maglathala ulit ng mga akdang walang patutunguhan. Non-sense ika nga. Pero ayos na yun, at least may humor.☺Kaya eto, nakapag-post ulet ako. Mas masarap palang gamitin ang sariling lengwahe. Madaling sabihin, madaling maiintindihan. Muntik ko nang makalimutang Pilipino ako. Dati ko namang hinahabi ang mga akda kong walang kwenta sa salitang ito, naimpluwensiyahan lang ako. Parang nung dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Ah basta, mahina nga pala ako sa History. Hanggang dito na muna, kailangan ko nang ipahinga ang utak kong tigang sa walang kwentang kapararakan. Ciao!