Saturday, November 21, 2009

Precious that is Priceless

"There are things they don't know that we know because they are all after money."
---Tanna Man

Karangyaan...pera... yaman. Hindi maikakaila na umiikot ang mundo ng karmihan sa pera. Pera na nga ang nagpapatakbo ng buhay natin. Pera na nga. Kagaya ng pagsakay sa taxi, madali at kumbinyente kang makakarating sa patutunguhan mo, pero may kapalit na pera. Sa pagkain, pera narin ang solusyon para matugunan ang pagkalam ng sikmura. Ano kaya ang magiging hitsura ng mundo kung walang pera? Naalala ko sa isang programa ng Nat Geo Channel, may nagtanong sa isang native people tungkol sa pananaw nila sa same sex marriage. Sabi ng mga native, ang lalaki kung magpapakasal sa isa pang lalaki, eh hindi magkakaanak, ikinakasal ang isang lalaki at ang isang babae para magkaanak. Natawa ako sa sinagot nung nagtanong, sabi niya, "We are living individually. We are individualized people and we already have big population that is why we no longer need children. We are more into money." Bigla akong natauhan, pera na nga lang ba talaga ang mahalaga? Nakakapanlumo, pero iyon ang totoo. Mahirap mang aminin, pero iyon ang reyalidad. Naiisip ko kung paano ako mabubuhay kung walang pera, siguro walang pagkain, walang bahay, walang kuryente, walang pang-computer, walang pamasahe sa bus, walang pang-snack, walang pang-tuition, walang pang-date, walang pambili ng damit, wala na lahat... kasi lahat ng bagay sa mundo may katumbas na pera. Biglang sumagi sa isip ko, paano ba nabuhay ang tao bago pa nadiskubre ang pera? Nagkaroon tuloy ako ng migraine sa kaiisip.

Habang naghahanap ako ng programang pwedeng panuorin, nabaling ang atensyon ko sa Nat Geo Channel. Naaliw ako sa mga tribeman galing Tanna--isang isla na matatagpuan sa Timog ng Amerika. Dumayo sila at nakipagsapalaran sa Amerika para ipahayag ang isang napakahalagang mensahe---kapayapaan, pagmamahalan, at harmony. At sa paglalakbay nila, sa mayamang kontinente ng Amerika, marami silang natutunan sa liberal na kultura ng Amerika na taliwas sa kanilang naging kultura. Nakakapukaw ng damdamin. Meron pa palang grupo ng mamamayan sa mundo ang hindi silaw sa pera. Para sa kanila, ang munti nilang isla ay isa ng kayamanan. Lahat ng kailangan nila sa buhay ay matatagpuan na doon (sana doon ako nakatira). Sa kanila, lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. At dahil doon. nabubuhay sila ng payapa at masaya(sana ganoon din ang pananaw natin). Sa paglalakad nila isang araw sa New York, may nakita silang matandang lalaking pulubi at walang tirahan. Nakakapangdismaya...sa dami ng mga matataas na tower at buildings sa siyudad, bakit may mga tao pang walang tirahan? Parang dito sa Pilipinas, maraming building, condominiums, apartments at kahit nga mga bundok sinisira para tayuan ng building, eh bakit madami pa ring walang tirahan at nagkakasya na lang at nagtitiyaga sa barung-barong sa ilalim ng tulay at kahit sa gilid lang ng kalsada? Kung iisipin, simpleng bagay lang ito para sa ilan, ni hindi nga natin napapansin. Masyado kasi tayong mapagpahalaga sa pera. Pera na lang kasi ang mahalaga sa atin. Sana mamulat ang mga mata natin na hindi lahat ng bagay sa mundo may presyo, sabi nga nila, "the most precious things on earth are the ones that is priceless."

2 comments:

nai said...

"It's a very sad reality that money makes the today's world go round..pero tama ka hindi pa naman lahat ng lugar sa mundo eh polluted ng ideyang ito.."

'--mutya--' said...

yah... buti nalang may mga tao pa palang ganun... =)