Monday, November 30, 2009

Kariton ni Kuya Ef

Hindi lamang sa loob ng paaralan makukuha ang edukasyong inaasam-asam ng karamihan. At lalong hindi naging hadlang ang kahirapan upang makamit ang inaasam-asam mong pangarap.

Kariton...
...sinong mag-aakala na sa bawat pag-usad ng kariton ay may matutupad na mumunting mga pangarap.

Nakakataba ng puso na nagmula sa sarili kong bayan (Cavite City) at produkto ng luma kong paaralan (San Sebastian College-Recoletos) ang kasulukuyang tinanghal na CNN Hero of the Year. Si Efren PeƱaflorida o mas kilala sa tawag na Kuya Ef.


Sa bawat pagsubok ng buhay, ikinintal ni Kuya Ef sa ating mga puso at isipan na hindi sagabal ang kahirapan upang makamit ang edukasyon. Naging produkto ng diskriminasyon at pangungutya, hindi siya nawalan ng pag-asa upang makamit ang kanyang pangarap. At sa kabila ng pagsubok na ito, nabuo sa kanyang damdamin ang nahimbing na ambisyong tumulong sa mga kagaya niya. Inilunsad niya ang Dynamic Teen Company (DTC) na naglalayong tumulong sa mga kabataang hindi nabigyan ng oportunidad na makatungtong ng paaralan sa pamamagitan ng kariton at pagtuturo sa kalye. At sa bawat pag-usad ng kariton ni Kuya Ef, maraming kabataan ang natutulungan. Katangi-tangi ka Kuya Ef. Pinatunayan mo na determinasyon, tatag ng loob at tuwid na prinsipyo ang solusyon.

Tunay ngang nararapt kang tanghalin na isa ng bagong BAYANI.

No comments: