Madalas marami tayong mga bagay na pinagsisisihan. Yung mga bagay na sana nagawa mo na dati pero ngayon mo lang naisipang huli na. Kung kelan hindi mo na kayang gawin kasi wala ka ng karapatang gawin. Mahirap nga kapag nagsisi ka na, pero pero gusto mo pa ring gawin kahit di na pwede. Naku! Magulo! Sabagay, magulo nga din naman ang buhay. Kung minsan pabor sa'yo ang mga nangyayari, kung minsan naman pinagkakaitan ka na ng tadhana. Pero kahit ganoon, masasabi ko rin na maswerte ako kasi isa ako sa mga taong umaasa na bumait pa ang tadhana. =)
Bakit nga ba minsan pabalik ang pag-iisip natin? Yung tipong nabubuhay tayo sa anino ng nakaraan...nakabaon, nakakulong at nakabitin. pwede namang kumawala at lumipad patungong hinaharap. Kelan lang, nabulabog ako ng isang reyalisasyon. Marami pala akong sinayang na pagkakataon. May mga bagay na kasing dati ay abot kamay ko lang pero di ko sinalo tapos ngayon, hinahanap hanap ko na. Sana pala mas masaya ako ngayon. Pero sabi nga ng isa sa paborito kong awtor, ang tao kapag nahanap na ang kapalaran at kasiyahan, mawawalan na rin ng saysay ang buhay. =) Kaya, hangga't meron pang panahon, maikli man o mahaba pa, kailangang maging positibo. Kailangang merong bisyon at misyon para maging makahulugan ang buhay.. =)
Wednesday, June 16, 2010
Regrets...kill! (Pagmumuni-muni)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment