Monday, November 30, 2009
Kariton ni Kuya Ef
Nakakataba ng puso na nagmula sa sarili kong bayan (Cavite City) at produkto ng luma kong paaralan (San Sebastian College-Recoletos) ang kasulukuyang tinanghal na CNN Hero of the Year. Si Efren PeƱaflorida o mas kilala sa tawag na Kuya Ef.Sa bawat pagsubok ng buhay, ikinintal ni Kuya Ef sa ating mga puso at isipan na hindi sagabal ang kahirapan upang makamit ang edukasyon. Naging produkto ng diskriminasyon at pangungutya, hindi siya nawalan ng pag-asa upang makamit ang kanyang pangarap. At sa kabila ng pagsubok na ito, nabuo sa kanyang damdamin ang nahimbing na ambisyong tumulong sa mga kagaya niya. Inilunsad niya ang Dynamic Teen Company (DTC) na naglalayong tumulong sa mga kabataang hindi nabigyan ng oportunidad na makatungtong ng paaralan sa pamamagitan ng kariton at pagtuturo sa kalye. At sa bawat pag-usad ng kariton ni Kuya Ef, maraming kabataan ang natutulungan. Katangi-tangi ka Kuya Ef. Pinatunayan mo na determinasyon, tatag ng loob at tuwid na prinsipyo ang solusyon.
Tunay ngang nararapt kang tanghalin na isa ng bagong BAYANI.
Saturday, November 21, 2009
Precious that is Priceless
"There are things they don't know that we know because they are all after money."---Tanna ManKarangyaan...pera... yaman. Hindi maikakaila na umiikot ang mundo ng karmihan sa pera. Pera na nga ang nagpapatakbo ng buhay natin. Pera na nga. Kagaya ng pagsakay sa taxi, madali at kumbinyente kang makakarating sa patutunguhan mo, pero may kapalit na pera. Sa pagkain, pera narin ang solusyon para matugunan ang pagkalam ng sikmura. Ano kaya ang magiging hitsura ng mundo kung walang pera? Naalala ko sa isang programa ng Nat Geo Channel, may nagtanong sa isang native people tungkol sa pananaw nila sa same sex marriage. Sabi ng mga native, ang lalaki kung magpapakasal sa isa pang lalaki, eh hindi magkakaanak, ikinakasal ang isang lalaki at ang isang babae para magkaanak. Natawa ako sa sinagot nung nagtanong, sabi niya, "We are living individually. We are individualized people and we already have big population that is why we no longer need children. We are more into money." Bigla akong natauhan, pera na nga lang ba talaga ang mahalaga? Nakakapanlumo, pero iyon ang totoo. Mahirap mang aminin, pero iyon ang reyalidad. Naiisip ko kung paano ako mabubuhay kung walang pera, siguro walang pagkain, walang bahay, walang kuryente, walang pang-computer, walang pamasahe sa bus, walang pang-snack, walang pang-tuition, walang pang-date, walang pambili ng damit, wala na lahat... kasi lahat ng bagay sa mundo may katumbas na pera. Biglang sumagi sa isip ko, paano ba nabuhay ang tao bago pa nadiskubre ang pera? Nagkaroon tuloy ako ng migraine sa kaiisip.
Habang naghahanap ako ng programang pwedeng panuorin, nabaling ang atensyon ko sa Nat Geo Channel. Naaliw ako sa mga tribeman galing Tanna--isang isla na matatagpuan sa Timog ng Amerika. Dumayo sila at nakipagsapalaran sa Amerika para ipahayag ang isang napakahalagang mensahe---kapayapaan, pagmamahalan, at harmony. At sa paglalakbay nila, sa mayamang kontinente ng Amerika, marami silang natutunan sa liberal na kultura ng Amerika na taliwas sa kanilang naging kultura. Nakakapukaw ng damdamin. Meron pa palang grupo ng mamamayan sa mundo ang hindi silaw sa pera. Para sa kanila, ang munti nilang isla ay isa ng kayamanan. Lahat ng kailangan nila sa buhay ay matatagpuan na doon (sana doon ako nakatira). Sa kanila, lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. At dahil doon. nabubuhay sila ng payapa at masaya(sana ganoon din ang pananaw natin). Sa paglalakad nila isang araw sa New York, may nakita silang matandang lalaking pulubi at walang tirahan. Nakakapangdismaya...sa dami ng mga matataas na tower at buildings sa siyudad, bakit may mga tao pang walang tirahan? Parang dito sa Pilipinas, maraming building, condominiums, apartments at kahit nga mga bundok sinisira para tayuan ng building, eh bakit madami pa ring walang tirahan at nagkakasya na lang at nagtitiyaga sa barung-barong sa ilalim ng tulay at kahit sa gilid lang ng kalsada? Kung iisipin, simpleng bagay lang ito para sa ilan, ni hindi nga natin napapansin. Masyado kasi tayong mapagpahalaga sa pera. Pera na lang kasi ang mahalaga sa atin. Sana mamulat ang mga mata natin na hindi lahat ng bagay sa mundo may presyo, sabi nga nila, "the most precious things on earth are the ones that is priceless."
Wednesday, November 18, 2009
Catching a Falling Star
Nakakatawa. Tumambay na naman ako kagabi sa dati kong tambayan. Sa ibabaw ng bubong habang nakahiga at nakatingin sa kawalan. Parang 'yung dating gawi lang. Nakatunganga at nag-iisip ng mga kasentimental-an. Oo nga pala. Nagkaroon ng meteor shower kagabi. Syempre, nag-abang ako. Madami-daming wish din iyon. Nakakatawa. Nag-aabang ako ng meteor shower para lang matugunan 'yung mga wish ko. Totoo kaya iyon? Simula noong natuto akong maglakad at magkaisip, lagi na ako nag-aabang ng shooting stars.Nakakahiya nga lang, inaasa ko sa shooting star ang kapalaran ko. Baka sakaling matupad ang mga wish ko. . . (kasali ka doon). Inabot ako nang madaling araw. Nahamugan na at sinipon. Marami rin akong nahuli. Ang saya. At dinalaw na nga ako ng kaibigan kong antok. Pumasok na ko sa kwarto ko. Subalit di rin siya nagtagal, bumisita lang pala. Badtrip. Si insomnia naman ang pumalit at nagkadaupang-palad nga na naman kami ulit. Kaya ngayon, para na naman akong bangag. Hayyy... Oo nah. Ganun na nga. Nag-emo-emohan na naman ako ulet.
Tigang na Kaisipan
O baka naman hypoxic. Maybe yes.
Nauubusan na nga ng hangin ang utak ko. Siguro kulang sa tulog.
Kulang sa tulog dahil maraming iniisip.
Iba-ibang tao, pangyayari, bagay-bagay. Kahit ano.
Ganyan ang senaryo ng utak ko kapag gabi.
Sabi ko nga, kung kelan tahimik at mapayapa ang kapaligiran,
doon sumisigaw ng malakas ang puso ko. Haha! So odd.
Wala na nga akong maisip na ilathala sa blog na 'to.
Pero pinipilit kong pigain hanggang sa maging tigang na nga.
Noong mga nakaraan araw, madami akong nabasang blogs na nakapagbigay sa akin ng inspirasyon na maglathala ulit ng mga akdang walang patutunguhan. Non-sense ika nga. Pero ayos na yun, at least may humor.☺Kaya eto, nakapag-post ulet ako. Mas masarap palang gamitin ang sariling lengwahe. Madaling sabihin, madaling maiintindihan. Muntik ko nang makalimutang Pilipino ako. Dati ko namang hinahabi ang mga akda kong walang kwenta sa salitang ito, naimpluwensiyahan lang ako. Parang nung dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Ah basta, mahina nga pala ako sa History. Hanggang dito na muna, kailangan ko nang ipahinga ang utak kong tigang sa walang kwentang kapararakan. Ciao!
Saturday, November 14, 2009
Look Younger?
There is nothing wrong with beauty, but, why do we need to look younger then we are? Botox, silicon, gyms… Gyms are ok if you want to make some exercices but… body building? I have some friends that spend hours in the gym just to pretend to be younger.
We can be younger at heart and if you accept that, with age comes some changes in our body, we should be very happy, because we are getting older.The other option of getting older is to die.
So, i’m looking for your opinion on why do this world ask to societies to pretend everybody is younger then he/she really is.
Thank you,Paulo
My Comment on this:
I remember watching certain program in Nat Geo Channel about natives of America. In there, was the topic with regards to age-defying techniques. One native once said that, why do people choose to do sort of these when in fact we can't turn back times. Today still is Sunday and we cannot claim that it is Saturday. Though we can deceive time through these botox, sylicons, etc., we can't stop the sun from setting. It will still set and we have nothing to do with that. I do agree with what he said, we can't stop time for us to stay young. I have friends who afraid of aging. Pity on them they don't know the value of aging. Paul Coelho is right, being young is not on how we look but how we feel. Pride must be in our hearts for we are lucky that we dwell longer and longer to this world.
Looking Back the High School Times
-- Our Lady of Consolation sa Baste nga lang ako nag-first year...
2) Eh nung 2nd yr?
-- DOVE :) sa PSAT na..hehe.. gala eh...
3) 3rd yr?
--CAMIA :) kay Mam Eflid... star section eh... harhar
4) 4th yr?
-- ACACIA :) kay mam thelma...
5) Anong best year for u?
-- uhm.. 4th yir xguro... dun kasi nmin nafeel ung essence ng pgiging HS student..haha..
6) Marami ka bang friends nun
--naman!! friendly ata ako..haha
7) Saan kau kumakain kapag lunch?
-- sa bahay... uwi lang ako nun eh...
8) Saan tumatambay after skul?
-- uhmm... kahit san..hehe...
9) Lagi ka ba late pag morning?
-- naku!! nagtanong ka pa!! ako yata ang estudyanteng never naging on-time..hehe
10) Nasuspend ka na ba?
-- NAH>>NEVER...
11) Bakit?
-- mabait ako nun eh...
12) Have u ever danced on stage?
-- xempre!!haha.... lakas self-esteem.. kahit di magaling, banat lang ng banat,.,.
13) Nanligaw ka ba noon? (for boys) May nanligaw ba sau nun (for girls)?
--naman..haha...
14) Nagka bf/gf ka ba nung highschool?
--uhm.. hirap nun ah.. let's say perhaps..(Peace)
15) Sino all time crush mo nun?
-- waaaaaahhh!! bukingan ba itech?? secret!!☺☺☺
16) Would you go back sa HS?
-- uu naman... miz ko nga un eh... indeed it's the best-est moments of student life.
17) Ano lagi mong binibili sa canteen?
-- hahaha.. .gusto ko tong question na toh... to list, buko juice, dingdong, sunshine, spag, pansit, squash seed, andami pa eh... limot ko na..
18) Overpricing ba ang canteen nyo?
-- Di naman maxado... ang mura nga ng tinda eh..hehe
19) Nakakita ka n ba ng multo sa skul?
-- never pa...
20) Have you ever sang on stage pag may program?
--naku!! haha.. i remember during scouting... napasubo ako kumanta on stage... nadtrip in... to love you more pa..haha
21) Fave subjects?
-- MATH, MATH, and MATH>...jeje
22) Bumagsak ka n ba?
-- uh-uh.... never pa naman.. and di ako papayag noh,,
23) Have you ever been sent out?
-- NEVER! :)
24) Malayo b ang HS bldg sa canteen?
-- di naman...
25) Have you ever ran in the court?
-- uhm..yah
26) Varsity?
-- di ako mahilig s sports dat tym eh..hehe.. u better ask me to solve a math problem...
27) Do you miss your school?
--xuper duper mega!!! huhu.... that was best.
28) Sino pinaka-dakila sa batch niyo?
--samen??? uhm... i don't know...
29) Ano mga awards mo nun?
--dami eh...yoko nga..hehe
30)Mga advisers mo?
--1st: Mam Fernandez
--2nd: Sir topher Panza..
--3rd: Mam Eflida de Quiroz
--4th: Mam SANCHEZ..
31) Naging officer ka ba?
-- yap.. i even attended a leadership training... dun ko nameet c JAydEe!!hehe
32) May nakaaway ka ba nun?
-- oo!! maldita din ako kahit papano eh...
33) Anong role mo pag foundation day?
-- ms. PSAT 1st runner -up??hahaha...
34) Pinaka close mo nun?
-- nephoj ,bcel, bhel,gil,cal,melch, dawn,mabel, ung themmjaps damma jolijada, angol, ronnie, kriz
35) Pumasok ka ba sa CR ng opposite sex?
-- i don't remember..haha
Harhar... ka-emohan lang...☺☺☺
This is real.
This must be real.
Sunday, November 8, 2009
Bro, Ikaw ang Star ng Pasko ☺
Love the tune, the lyrics, the concept and most especially the vid.
Goosebumps!!!
Kapamilya really rocks!!
Click here to view the vid...
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig ngayon higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo’s makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!