Tuesday, September 28, 2010

Gusto kong maging...

Maliit pa lang ako, kahit noong lumaki na, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong ng kung sino, kilala ko man o hindi, kung ano ang gusto kong maging paglaki ko.

Nursery...ang gusto ko lang kumain, maglaro, matulog, mag-ingay, makipag-away, humingi ng baon at maglaro ng texts at pogs.

Kinder... gusto kong maging teacher kasi si Mama teacher. Syempre, ang mga bata gaya-gaya. Wala akong maisip na iba kaya yun ang lagi kong sagot.

Elementary...gusto ko pa rin maging teacher. Wala pa kasing carreer guidance office noon na magbibigay sa'yo ng choice kung anong gusto mong maging paglaki mo. Kaya pag pinapagawa kami noon ng theme writing o kahit ano pa mang essay tungkol sa pangarap ko sa buhay, yun at yun pa rin ang sagot ko... nakakasawa.

1st year High School... sa Baste. Wala pa rin akong maisip na pangarap. Teacher pa rin... TEACHER! Eh sa yun lang ang alam ko eh.

2nd year HS...sa PSAT. Ayun... dito ako nabigyan ng liwanag. Sa paulit-ulit ba naman na "pagiging teacher" ang sagot ko, nagsawa na rin ako. Para maiba, gusto ko nang maging CPA. Wow! Sosyal... Certified Public Accountant. Bigatin sabi ng iba. Pero ayun ang biglang naging hilig ko. Mag-compute ng mag-compute ng mag-compute.

3rd year HS... CPA pa din. Math ang hilig ko eh... Pero biglang humirit ang wish kong maging Engineer. At nagkaroon na nga ng riot ang hilig ko at gusto ko.

4th year high school...WALA! as in totally wala. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko... Kung kelan one step away na lang ako sa pangarap ko, saka pa nabokya ang isip ko... kaya pagdating ng entrance examinations period, tatlong course ang pinili ko, Education, Engineering tapos Nursing... iniisip mo siguro kung bakit hindi ko kinuha ang Accountancy, maging ako hindi ko din alam kung bakit. Pero sa di malamang pagkakataon, kung ano pa ang hindi ko sinasambit kahit noong unang panahon pa, iyon pa ang pinili ko...NURSING.

Pasalamat na lang siguro ako sa nag-imbento ng "mini mini my nimo" kasi kung di dahil sa kanya, hindi ako magiging nurse...*clap clap* =)

Pero kahit meron na akong natupad na hindi ko naging pangarap, meron pa din akong mga pangarap na hanggang ngayon ay gusto ko pa ring matupad kahit in a minor minor way.



DJ...simula nang mahilig ako sa musika, isa sa gusto kong maging ay ang pagiging DJ, buti na lang nabigyan ako ng pagkakataon sa RADIO IGNACIO...salamat mga kabarkada sa konting panahon na nagtiyaga kayo sa boses, advices at love quotes at love songs na na-share ko. Salamat!

DRUMMER/MEMBER OF A BAND... hindi ko pa to nata-try. Pero kahit ganun, natuto na rin akong tumugtog ng drums at gitara... sintunado nga lang.

COMPOSER...nakakatawa pero in a little way...sa abot ng aking nakaya at makakaya, nakabuo ako ng isang kantang punong puno ng inspirasyon... ako nga lang ang tumatangkilik, ako lang ang naglapat ng musika at ako rin lang ang kumanta. Pero at least, kahit once in my life, natupad ko ang pangarap na to...

AUTHOR NG LIBRO... trying hard ako... oo, inaamin ko! Pero sabi nga nila, libre ang mangarap. Gusto kong magsulat at kahit walang mambabasa, at least makakabuo ako ng isang libro... librong kahit kelan hindi na ata mapapublish.=(


Actually, marami pa kong pangarap... isusunod ko na lang. kapag marunong na ulit akong mangarap.=)



3 comments:

Unknown said...

kung ikaw disc jockey ako naman video jockey. haha.
according to an article i read recently, it's not until you reach 25 that you will be able to tell what you really love doing; what job could really make you happy. at the age of 25 daw, saka nagkakaroon ng mga career changes. yung biglang enroll sa school ulit to take up another course. mga ganon...

in my case, if i am not a nurse today and had i pursued the course i passed in UP diliman, i am most probably a diplomat (kapal), or a european language professor. :)

'--mutya--' said...

nyahahaha...may mga ganun?? thanks anyway sa pag drop-by dito..=) Sana di naman ako abutin ng 25 bago ko malaman kung ano talaga ang gusto ko.. haha... pero ngayon,all i wanted is to be a doctor..nyahaha...

'--mutya--' said...

nyahahaha...may mga ganun?? thanks anyway sa pag drop-by dito..=) Sana di naman ako abutin ng 25 bago ko malaman kung ano talaga ang gusto ko.. haha... pero ngayon,all i wanted is to be a doctor..nyahaha...