Wednesday, December 30, 2009

Watta Day... =!

This must be a tiring day.

Super late na ako nagising kanina, mga alas dose na ng tanghali. Late na din kasi ako natulog kagabi (3am na). Insomniac eh. Ayun pagkagising na pagkagising, PC kaagad ang tinutukan kumain at nagpunta ng Sm. Actually, introduction lang ito, ang gusto kong i-blog ay yung nangyari kanina sa SM. Ayun nga, ang daming tao. Di mu talaga aakalain na naghihirap ang mga tao sa Pilipinas. Madami pa ring hindi makatiis mag-shopping. Akalain mo ba namang mahigit isang oras kaming pumila sa cashier. Super dami talagang tao. May nagbabanggaan na nga't lahat. Parang palengke sa sobrang kasikipan. Eh panu nga ba naman... huling araw na lang nga paghahanda para sa media noche.

Eto.. mag-aalauna na naman ng umaga. Di pa din ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong mag-blog... Haaaayy... paputol-putol pa connection ng net dito. Kainis.

No comments: