Friday, December 11, 2009

Sa Gitna ng Kabagutan =)

Nasulat ko ito sa isang pahina sa likod ng aking binder
1:39 PM, Room N4
sa College of Health Science Building kanina.

Time namin ngayon kay Maam Lopez. Late ako ng 20 minutes sa klase niya...nakatulog kasi ako. Pero ngayon, ang bigat ng ulo ko...parang gusto ko nang ihimlay ang antok kong kamalayan. Pero no choice ako...baka kasi pagalitan ako ni Maam. Haaaayyy... holy hour pa naman ngayon...nakakaantok talga. Leadership and Management ang topic namin ngayon...nagbibigay siya ng definition ng management. Nakakainis! Hindi kasi maka-absorb ang utak ko...parang natutulog na mantika. Pero sa kabila ng kaantukan, naaaliw ako sa mga classmates ko. Tamang-tama lang ang upuan ko...sa likod kung saan namamasdan ko silang lahat. Nakakatuwa...iba-iba na kasi mga hitsura nila. Merong nakayuko lang, may nagpapaikot-ikot ng bolpen, may nakadekwatro, may nakahawak sa baba, meron namang kunyari may binabasa pero pasimpleng natutulog, merong kunyaring nagsusulat ng notes pero dinodrowing pala si maam, meron namang tutok na tutok sa pakikinig pero wala namang naiintindihan, merong nagsusulat-sulatan para hindi halatang nagkekwentuhan, may nagkukrusada sa pagbibilang ng "and so on", may pasimpleng lumalabas para mag-CR iyon pala magpapahangin lang kaya'y nag-iisnak na, may naglilista ng "embaryoment", "okserb", "ogey", at iba pa, may pasimpleng lumalabas para bumili ng "mani" hindi para pamatid-gutom kundi para pamatid-antok at ang nakakatawa sa lahat ay iyong mga nasa unahang pilit na tinutukuran ang kanilang mga eyelids para hindi sumara. Iyan ang senaryo ng buong klase tuwing ganitong oras dagdag pa nga rito ang pabalik-balik na pagtingin ng ilan sa kanilang relo na gusto nang hilahin ang oras, pati na rin ang ilang nagmamaktol tuwing nag-oovertime si Maam. Haaay! Kulturang estudyante nga naman. Araw-araw, lagi-lagi ganun ang sitwasyon...nakakasawa pero nakakatuwa. Ayan, naubusan na ng tinta ang bolpen ko, hindi dahil masipag akong magsulat ng lecture notes kundi dahil sa pagsulat ng mga bagay na walang saysay=).#

No comments: