Loser?
Love?
Liar?
Ano ang ibig sabihin ng "L" sign na ito?
Noong mga nakaraang buwan, nauso ang "L" sign na ito sa mga kabataan. It stands for a "loser". Ibig sabihin, talunan. Pang-asar na simbolo na ginagamit tuwing palpak at hindi kanais-nais ang ginawa ng taong sinasabihan nito. Negatibo sa mata ng mga kabataan. Subalit hindi nila alam, napakalaki at napakahalaga ng simbolong ito na dapat bigyang pugay.
Ilang araw lamang ang nakakalipas nang bulabugin ang Pilipinas sa pagkamatay ng dating pangulong Cory Aquino. Mula noon, kaliwa't kanang paggunita ang ibinabahagi ng midya para sa kanya. Isa na rito ang kasaysayan na sa simula't sapul ay hindi ko binigyan ng pansin. Dekada na ang nakalipas at aminadong hindi pa ako tao nang mga panahong iyon. Nasadlak ang Pilipinas sa matinding krisis pampulitika. Nawalan ng boses ang masang Pilipino. Naging papet. Nagkaroon ng pang-aapi at pangkikitil sa kalayaang matagal ng isinisigaw. Nagkaroon ng rebolusyon na sa unang pagkakataon, sa pamumuno ni Cory Aquino, boses ng nakararami ang nasunod. Ipinaglaban ang kalayaang ngayon ay atin nang pinanghahawakan.

PAKIKIPAGLABAN...
...LABAN.
...LABAN.
Ito ang tunay na kahulugan ng simbolong "L". Laban. Napakadakila at tunay ngang makahulugan. Nakakahihiya mang sabihin subalit kamakailan ko lang nabatid ang kahulugang ito. Naging isa ako sa mga kabataang walang alam at ignorante sa kasaysayan. Subalit sa mga panahong ito, buo na ang aking loob at ipinagmamalaki ko na ako ay isang PILIPINO...sa isip, sa salita at sa gawa. Tuloy pa din ang LABAN.
No comments:
Post a Comment