May saysay ba na sulatan ang bulag, awitan ang bingi, at kilitiin ang manhid?
Wala!
Pero kung hindi susubukan, paano malalaman kung ang kapansanan ay gawa-gawa lamang at nagtatago ang panlilinlang sa belo ng kahinaan at kapayapaan.
Panlilinlang na parang tali. Pisi na manipis pa sa sapot ng gagambang tuso, nakahabi at talamak sa distrito. Oo! Hawak nila tayo sa leeg. Nangingikil... namimwersa sa mga paraang hindi natin nadarama. Ngunit tayo mismo, tayo ang nag-aabot ng lubid sa mambibitay.
Panlilinlang na parang tali. Pisi na manipis pa sa sapot ng gagambang tuso, nakahabi at talamak sa distrito. Oo! Hawak nila tayo sa leeg. Nangingikil... namimwersa sa mga paraang hindi natin nadarama. Ngunit tayo mismo, tayo ang nag-aabot ng lubid sa mambibitay.
Sino nga ba ang nasusunod sa demokrasya? Demokrasya na ginawa ng tao para sa tao. Napakasarap pakinggan. Naglalaro patungo sa sandata. Oo! Demokrasya, ang sandata ng taong makasarili. Tanikalang humahaplos kagaya ng sipol nng hanging amihan. Maamo at marahan ngunit abot buto ang lamig. Demokrasya, pinapatakbo ang boses ng tao, ang boses ng tao ang nagpapatakbo.
Gutom.
Pagod.
Hapdi.
Dalamhati.
Ambisyon.
Pera.
Takot.
Pagod.
Hapdi.
Dalamhati.
Ambisyon.
Pera.
Takot.
Hindi mo ba iboboto ang mamamatay tao na may hawak ng baril na nakatutok sa iyong ulo?
Ang tao may utak pansarili,
pero hindi lahat ng boses galing sa sariling utak.
Maraming tao ang bumibitaw ng salita,
parang lorong tumatalak,
panay ang tingin...
hindi malawak.
pero hindi lahat ng boses galing sa sariling utak.
Maraming tao ang bumibitaw ng salita,
parang lorong tumatalak,
panay ang tingin...
hindi malawak.
Ang tao may mata,
pero bakit boses ang ginagamit
panghanap ng kandila na pamalit
sa pundidong ilaw?
pero bakit boses ang ginagamit
panghanap ng kandila na pamalit
sa pundidong ilaw?
Natutunaw ang yelo...umiinit ang ulo...salita...diretso patungo sa kawalan.
Madaling isipin...mahirap gawin. Hindi lahat ng tao pareho ang hinaing. Pero kadalasan, ang problema ko, problema mo na rin. Hindi ako galit sa'yo o sa demokratiko pero eto ang alam ko, hahalason ang panis na laway.
AYOKO PANG MAMATAY.
(mula sa democracy vid-making contest)
No comments:
Post a Comment