Thursday, December 15, 2011

Christmas Wishlist



Sampung araw na lang, maligayang pasko na pala. At dahil diyan, kailangan ko nang bumuo ng Christmas wish list para kung sakaling mabasa mo ito, alam mo na kung ano ang gusto kong regala. LOL! Sige na. Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman ako gagawa ng wish list sa buong buhay ko. Dati kasi wala akong pakialam kung anong iregalo sa akin, at mas gusto ko ang cash. Pero ngayon, para maiba naman, di lang cash ang wish ko, dadagdagan ko pa! Ito ang wish list ko:

  • GE X500
Ito na ang cheap na camera na gusto ko... ang dating Nikon DSLRs na pangarap ko, ayun pangarap pa din. Kaya eto nalang. :D

  • Samsung Galaxy Y
  • Ang android phone na gusto ko. I told you, simple lang ang gusto ko. Hindi na ako nangangarap ng Blackberry. :)
  • Wedges
Gusto ko ngayon. Gusto ko nang maging girly. :D
  • Paulo Coelho's Aleph and 2012 Planner
At dahil fan ako ni Paulo Coelho, gusto ko nito.
  • Umbrella
Haha! Wala kasi akong sariling payong. Eversince! I hate bringing umbrellas. Lagi ko lang naiiwanan. Pero this time, demand ko to eh. Kaya please, regaluhan niyo na ako ng payong. Yung folding at kasya sa bag ko. :D

  • One-inch baller with statements
Gaya gaya ako eh. Gusto ko rin nito. The more, the merrier! :D\
  • Acoustic Guitar
I am a trying hard musician-slash-singer-slash-musicwriter-slash-trying hard. Pagbigyan niyo na ako. Binigay ko na si Tara sa kapatid ko.

Oh ayan, binigyan ko na kayo ng hint kung ano ang gusto kong matanggap this Christmas. Sabi nga, giving is the essence of Christmas Day! LOL!

Banidoso

At dahil naiiwan na ako sa ere ng blog ko, kelangan ko na at obligado akong magpost. Hindi ko alam kung ano ang ipopost ko. Wala rin akong maisip na pwedeng pag-usapan na magkakainteres ka. At lalong wala akong mai-share na problema, good news, or bad news pa man (manuod ka na lang ng balita).

Matagal ko nang balak mag-iwan ulit ng post sa blog na ito. Wala nga lang akong mapaghugutan ng mga salita at kwento. Wala kasi akong inspirasyon. Nakakapagsulat lang ako kung naiinspire ako, kung meron akong nabasang libro, napanuod na movie, nakilala, o kung broken-hearted ako o inlove na inlove. Ang problema, banidoso ako sa mga panahong ito. (Oha! Banidoso ang tagalog ng salitang "vain". Natutunan ko lang yan kanina kay Big Brother.LOL!) Ayun nga, banidoso ako ngayon. Kumbaga, sakto lang. Walang thrill. Ordinaryo lang. Parang painting na black and white kung saan dominante yung color white. Parang pizza na walang toppings.

Pero sabi ni Samantha Sotto, author ng Before Ever After, kung gusto mo talagang magsulat,hindi mo kailangang maging inspirado o broken hearted para sumulat. Kaya nga eto kahit banidoso ako, kelangan ko pa ring magsulat ng kwentong walang kwenta. Naalala ko tuloy iyong nga panahong gustong gusto ko magsulat tapos ang daming ideas ang umiikot sa ulo ko pero ni isang salita wala akong maisulat at umaabot ako ng isang oras kakaisip kung paano magsimula. Nakakabaliw at nakakainis. Ang hirap kasi sakin di ko alam ang salitang draft. Sabi nga, ang ideas parang call of nature iyan, kailangan mong itigil kung ano man ang ginagawa mo para maidocument mo yung nasa isip mo dahil pag lumipas na, di mo na maaalala. Kainis, di ba?

Ayan! Meron na ulit akong bagong post. Hindi na magtatampo si kumareng blog sa akin. :)