Hindi ako sensitibo... pero hindi ako manhid.
May mga bagay na pilit nating iniintindi kahit mahirap, kahit masakit na. Para matahimik lang, para walang problema, para mukhang walang problema. Para hindi magkasakitan ng loob. Para maging masaya. Pero sa bandang huli, mas masakit pala ang magkunwaring okay ka lang, kahit HINDI. Sana nga totoong naiintindihan ko. Sana nga totoong hindi ako nasasaktan. Sana nga totoong masaya ako.
Miserable.
Sabi ko noong una, kaya ko lahat ng pagbabago. Na dapat maging positibo lang kasi everything will be fine soon. Na lahat ng nangyayari merong magandang dahilan. But this distance and sometimes our silence kills me. And the worst, hindi ko na nararamdaman na importante ako... sa kanya. Pero kailangang intindihin, kelangang isiksik sa sarado kong isip na tama lang ang ganito. Tama lang na magsakripisyo para... para maging "ok lang" ang lahat.
Namimiss ko yung dati. :(