You asked me "why",I said "I don't know".I saw colors in your eyes that pictures out your mind.I said, "don't go",You said, "I'll stay."Pride empties my soul, you take it overThe sweetness in my blood went out my lipsFear dissolves but it persists.Pain's already overshadowed... no teardrops.Now I know that I need you here with me.I know this is once in a lifetime of chanceWith your arms wrapped around meI won't slip it away because you're my dwellingThe shadows behind us become onelike endless horizon.♥♥♥
Thursday, October 14, 2010
Kismet's Dance
Buhay ng isang HAMAK na Nars
Apat na taon...apat na taon din ang binuno ko para makatapos ng kursong Nursing. Maraming case studies at community diagnosis ang pinagpuyatan. Maraming on-call na walang cases. Maraming autoimmune diseases na ginawan ng diagram at pinulbos. In short, maraming hirap na pinagdaanan dagdag pa ang mataas na RLE fee at katakut-takot na miscellaneous. Sa kabila ng lahat, marami pa din ang naiinis sa mga estudyanteng nars na katulad ko dahil 1) puti ang kulay ng uniporme namin, 2) maaarte daw at malinis sa katawan, 3) laging naka-make-up sa duty o kahit hindi duty, 4) magaling sa english, 5) laging may hawak ng makapal na libro, 6) palaging competitive, 7) may sariling mundo, at 8) magaganda at gwapo =). Ang hindi nila alam, ganoon talaga kami. haha! Pero hindi pa dun natatapos ang kalbaryo bago ka maging isang ganap na nars. Kailangan mo munang ipasa ang exam na pinakakinatatakutan ng lahat (nursing board exam). Review palang, katakut-takot na kaechusan ang pinagdadaanan. At hindi pa din yun ang katapusan ng kalbaryo para maging isang ganap na nars. Mas mahirap ang naghihintay ng resulta. At kapag, nakasali ang pangalan mo sa listahan ng passers. Tsaraan! Hindi pa din doon nagtatapos ang hirap. Actually, simula pa lang.
Simula pa lang...
...simula pa lang ng unang yugto ng pagiging NARS.
Isa na akong ganap na rehistradong nars... legally and technically. Pero kahit ganoon, mas lalong kumapal ang ulap sa ulo ko...dumilim at lumabo. Wala akong idea kung ano ang susunod na step na gagawin ko sa aking buhay NARS. Nagsimula akong mag-apply sa iba't ibang ospital na malapit lang sa amin puro nga lang volunteer... oo! volunteer! Walang sweldo, walang allowance at kung minsan sa ibang malalaking ospital, ikaw pa ang magbabayad sa ospital sa serbisyong ginawa mo. Akala ng iba madaling maging isang nars...actually, madali nga lang. Madali kung ang puso mo talaga ay ang pagiging NARS. Merong nangantyaw sa akin isang beses. Ang laki daw ng tuition fee at gastos ng mga nag-aaral ng narsing pero pagkatapos eh magiging volunteer lang daw at kukurampot ang sweldo. Iyon ang akala nila. Hindi sa sweldo nasusukat ang kakayahan ng isang NARS. Sabi nga nila, "what is unique in the nursing profession is the service". SERVICE... as in service. Meron pang isa, wala daw kahihinatnan ang mga nars dito sa Pilipinas kaya ang iba nangingibang-bansa kasi andun ang pera. Kaya nga ngayon eh pinipilit nila akong maging volunteer for the sake of experience para itapon sa Qatar. But then, reality bites. Dagdag pa, dahil sa recession na laganap ngayon sa Amerika, ang ibang narses, pumapasok sa call centers dahil walang bakanteng ospital na pwedeng tumanggap sa kagaya namin. Meron akong kakilala, pagkatapos niyang maging RN, nagtrabaho siya sa call center for two years, pero kahit meron siyang well-paying job, ginive-up niya ito para mag-volunteer sa isang primary hospital. Narealize kasi niya na hindi siya nag-aral ng nursing para pumasok sa call center. Kung tutuusin, magaling ang ginawa niya at wala siyang pagsisisi. Bilib ako sa kanya.Sa ngayon, pagvovolunteer muna ang pagkaka-abalahan ko sabay sa mga trainings na kailangan pang gawin bago ka makapasok ng tuluyan sa isang maayos na ospital. Alam ko, mahirap sa umpisa pero kung meron kang tiyaga at nasa puso mo talaga ang pagiging NARS, higit pa sa dolyar ang araw-araw na nakikita mong dahil sa akin, nakatulong ako at nakadugtong ng buhay ng tao.=)
Subscribe to:
Posts (Atom)