Nursery...ang gusto ko lang kumain, maglaro, matulog, mag-ingay, makipag-away, humingi ng baon at maglaro ng texts at pogs.Kinder... gusto kong maging teacher kasi si Mama teacher. Syempre, ang mga bata gaya-gaya. Wala akong maisip na iba kaya yun ang lagi kong sagot.Elementary...gusto ko pa rin maging teacher. Wala pa kasing carreer guidance office noon na magbibigay sa'yo ng choice kung anong gusto mong maging paglaki mo. Kaya pag pinapagawa kami noon ng theme writing o kahit ano pa mang essay tungkol sa pangarap ko sa buhay, yun at yun pa rin ang sagot ko... nakakasawa.1st year High School... sa Baste. Wala pa rin akong maisip na pangarap. Teacher pa rin... TEACHER! Eh sa yun lang ang alam ko eh.2nd year HS...sa PSAT. Ayun... dito ako nabigyan ng liwanag. Sa paulit-ulit ba naman na "pagiging teacher" ang sagot ko, nagsawa na rin ako. Para maiba, gusto ko nang maging CPA. Wow! Sosyal... Certified Public Accountant. Bigatin sabi ng iba. Pero ayun ang biglang naging hilig ko. Mag-compute ng mag-compute ng mag-compute.3rd year HS... CPA pa din. Math ang hilig ko eh... Pero biglang humirit ang wish kong maging Engineer. At nagkaroon na nga ng riot ang hilig ko at gusto ko.4th year high school...WALA! as in totally wala. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko... Kung kelan one step away na lang ako sa pangarap ko, saka pa nabokya ang isip ko... kaya pagdating ng entrance examinations period, tatlong course ang pinili ko, Education, Engineering tapos Nursing... iniisip mo siguro kung bakit hindi ko kinuha ang Accountancy, maging ako hindi ko din alam kung bakit. Pero sa di malamang pagkakataon, kung ano pa ang hindi ko sinasambit kahit noong unang panahon pa, iyon pa ang pinili ko...NURSING.Pasalamat na lang siguro ako sa nag-imbento ng "mini mini my nimo" kasi kung di dahil sa kanya, hindi ako magiging nurse...*clap clap* =)Pero kahit meron na akong natupad na hindi ko naging pangarap, meron pa din akong mga pangarap na hanggang ngayon ay gusto ko pa ring matupad kahit in a minor minor way.DJ...simula nang mahilig ako sa musika, isa sa gusto kong maging ay ang pagiging DJ, buti na lang nabigyan ako ng pagkakataon sa RADIO IGNACIO...salamat mga kabarkada sa konting panahon na nagtiyaga kayo sa boses, advices at love quotes at love songs na na-share ko. Salamat!DRUMMER/MEMBER OF A BAND... hindi ko pa to nata-try. Pero kahit ganun, natuto na rin akong tumugtog ng drums at gitara... sintunado nga lang.COMPOSER...nakakatawa pero in a little way...sa abot ng aking nakaya at makakaya, nakabuo ako ng isang kantang punong puno ng inspirasyon... ako nga lang ang tumatangkilik, ako lang ang naglapat ng musika at ako rin lang ang kumanta. Pero at least, kahit once in my life, natupad ko ang pangarap na to...AUTHOR NG LIBRO... trying hard ako... oo, inaamin ko! Pero sabi nga nila, libre ang mangarap. Gusto kong magsulat at kahit walang mambabasa, at least makakabuo ako ng isang libro... librong kahit kelan hindi na ata mapapublish.=(Actually, marami pa kong pangarap... isusunod ko na lang. kapag marunong na ulit akong mangarap.=)
Tuesday, September 28, 2010
Gusto kong maging...
Friday, September 17, 2010
By the River Piedra I Sat Down and Wept
One doesn’t love in order to do what is good or to help or to protect someone. If we act that way, we are perceiving the other as a simple object, and we seeing ourselves as wise and generous persons. This has nothing to do with love. To love is to be in communion with the other and to discover in that other the spark of God.
You have to take risks. We will only understand the miracle of life fully when we allow the unexpected to happen.
Every day, God gives us the sun – and also one moment in which we have the ability to change everything that makes us unhappy. Every day, we try to pretend that we haven’t perceived the moment, that it doesn’t exist – that today is the same as yesterday and will be the same as tomorrow. But if people really pay attention in their everyday lives, they will discover that magic moment. It may arrive in the instant when we are doing something mundane, like putting our front-door key in the lock; it may lie hidden in the quiet that follows the lunch hour or in the thousand and one things that all seems the same to us. But that moment exists – a moment when all the power of the stars becomes a part of us and enables us to perform miracles.
Joy is sometimes a blessing, but it is often a conquest. Our magic moment help us to change and sends us off in search of our dreams. Yes, we are going to suffer, we will have difficult times, and we will experience many disappointments – but all of this is transitory it leaves no permanent mark. And one day we will look back with pride and faith at the journey we have taken.
I could have. What does this phrase mean? At any given moment in our lives, there are certain things that could have happened but didn’t. The magic moments go unrecognized, and then suddenly, the hand of destiny changes everything.But love is much like a dam: if you allow a tiny crack to form through which only a trickle of water can pass, that trickle will quickly bring down the whole structure, and soon no one will be able to control the force of the current.Love is a trap. When it appears, we see only its light, not its shadows.I’m going to fight for your love. There are some things in life that are worth fighting for to the end. You are worth it.
Wednesday, September 15, 2010
Quota ng Pag-ibig ♥♥♥
May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di nila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebeldeng laban sa mga Amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda, hinahanap sakanila ang di mahanap na wala, hindi makapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabila ng building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitingnan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanma'y di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di niya malalaman kung sino nga ba iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away ng away kapag magkasama pero hindi naman makaya ang magkahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Meron pag umiibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch na lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig at meron namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, pinagnanasaan ang mga sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig s akanila dahil hindi nila kailanman malalaman na ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.