Friday, August 5, 2011

Endurance

Hindi ako sensitibo... pero hindi ako manhid.

May mga bagay na pilit nating iniintindi kahit mahirap, kahit masakit na. Para matahimik lang, para walang problema, para mukhang walang problema. Para hindi magkasakitan ng loob. Para maging masaya. Pero sa bandang huli, mas masakit pala ang magkunwaring okay ka lang, kahit HINDI. Sana nga totoong naiintindihan ko. Sana nga totoong hindi ako nasasaktan. Sana nga totoong masaya ako.

Miserable.

Sabi ko noong una, kaya ko lahat ng pagbabago. Na dapat maging positibo lang kasi everything will be fine soon. Na lahat ng nangyayari merong magandang dahilan. But this distance and sometimes our silence kills me. And the worst, hindi ko na nararamdaman na importante ako... sa kanya. Pero kailangang intindihin, kelangang isiksik sa sarado kong isip na tama lang ang ganito. Tama lang na magsakripisyo para... para maging "ok lang" ang lahat.

Namimiss ko yung dati. :(

Monday, June 27, 2011

Define MUTYA...

hopeless.
frigid.
damn.
imbecile.
walang kwenta.
loser.
tanga.


F**k!

Saturday, June 11, 2011

Miss na kita...


Namimiss na kita.

Ikaw na bestfriend ko.
Ikaw na lagi kong kausap.
Ikaw na laging nandiyan nakikinig sa mga pinagsasabi ko.
Ikaw na kahit hindi nagsasalita, napapagaan ang loob ko.

Hindi na kita nakakausap.
Hindi na kita hinahawakan.
Hindi na kita pinapakialaman.
Hindi na kita kinukwentuhan.

Sorry na.

Namimiss na kita JOURNAL ko.


Sunday, May 22, 2011

EXHAUSTION

Pagod na pagod na ako.
Sana ako naman ang pakinggan.
Sana ako naman ang i-comfort.
Sana ako naman muna ang hihinga.
Sana ako muna.

Sana meron ding nagpapatahan sa akin sa tuwing iiyak ako.
Sana ako naman ang pagbigyan.
Sana ako naman ang maging masaya.

IT WAS DARK...

DARK.
HOPELESS.
CHAOTIC.
DOWNFALL.

IT WAS A BLUR.

(missing posts like this.)
(missing doing things I can't do now.)
(missing the old me.)
(missing the little girl in me.)
(missing the simple me.)
(missing the old times with you.)
(missing a simple life.)
(missing everything.)

It was DARK.

I miss.