Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

Thursday, December 15, 2011

Christmas Wishlist



Sampung araw na lang, maligayang pasko na pala. At dahil diyan, kailangan ko nang bumuo ng Christmas wish list para kung sakaling mabasa mo ito, alam mo na kung ano ang gusto kong regala. LOL! Sige na. Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman ako gagawa ng wish list sa buong buhay ko. Dati kasi wala akong pakialam kung anong iregalo sa akin, at mas gusto ko ang cash. Pero ngayon, para maiba naman, di lang cash ang wish ko, dadagdagan ko pa! Ito ang wish list ko:

  • GE X500
Ito na ang cheap na camera na gusto ko... ang dating Nikon DSLRs na pangarap ko, ayun pangarap pa din. Kaya eto nalang. :D

  • Samsung Galaxy Y
  • Ang android phone na gusto ko. I told you, simple lang ang gusto ko. Hindi na ako nangangarap ng Blackberry. :)
  • Wedges
Gusto ko ngayon. Gusto ko nang maging girly. :D
  • Paulo Coelho's Aleph and 2012 Planner
At dahil fan ako ni Paulo Coelho, gusto ko nito.
  • Umbrella
Haha! Wala kasi akong sariling payong. Eversince! I hate bringing umbrellas. Lagi ko lang naiiwanan. Pero this time, demand ko to eh. Kaya please, regaluhan niyo na ako ng payong. Yung folding at kasya sa bag ko. :D

  • One-inch baller with statements
Gaya gaya ako eh. Gusto ko rin nito. The more, the merrier! :D\
  • Acoustic Guitar
I am a trying hard musician-slash-singer-slash-musicwriter-slash-trying hard. Pagbigyan niyo na ako. Binigay ko na si Tara sa kapatid ko.

Oh ayan, binigyan ko na kayo ng hint kung ano ang gusto kong matanggap this Christmas. Sabi nga, giving is the essence of Christmas Day! LOL!

Friday, August 5, 2011

Endurance

Hindi ako sensitibo... pero hindi ako manhid.

May mga bagay na pilit nating iniintindi kahit mahirap, kahit masakit na. Para matahimik lang, para walang problema, para mukhang walang problema. Para hindi magkasakitan ng loob. Para maging masaya. Pero sa bandang huli, mas masakit pala ang magkunwaring okay ka lang, kahit HINDI. Sana nga totoong naiintindihan ko. Sana nga totoong hindi ako nasasaktan. Sana nga totoong masaya ako.

Miserable.

Sabi ko noong una, kaya ko lahat ng pagbabago. Na dapat maging positibo lang kasi everything will be fine soon. Na lahat ng nangyayari merong magandang dahilan. But this distance and sometimes our silence kills me. And the worst, hindi ko na nararamdaman na importante ako... sa kanya. Pero kailangang intindihin, kelangang isiksik sa sarado kong isip na tama lang ang ganito. Tama lang na magsakripisyo para... para maging "ok lang" ang lahat.

Namimiss ko yung dati. :(

Sunday, May 22, 2011

IT WAS DARK...

DARK.
HOPELESS.
CHAOTIC.
DOWNFALL.

IT WAS A BLUR.

(missing posts like this.)
(missing doing things I can't do now.)
(missing the old me.)
(missing the little girl in me.)
(missing the simple me.)
(missing the old times with you.)
(missing a simple life.)
(missing everything.)

It was DARK.

I miss.

Thursday, October 14, 2010

Buhay ng isang HAMAK na Nars


Apat na taon...apat na taon din ang binuno ko para makatapos ng kursong Nursing. Maraming case studies at community diagnosis ang pinagpuyatan. Maraming on-call na walang cases. Maraming autoimmune diseases na ginawan ng diagram at pinulbos. In short, maraming hirap na pinagdaanan dagdag pa ang mataas na RLE fee at katakut-takot na miscellaneous. Sa kabila ng lahat, marami pa din ang naiinis sa mga estudyanteng nars na katulad ko dahil 1) puti ang kulay ng uniporme namin, 2) maaarte daw at malinis sa katawan, 3) laging naka-make-up sa duty o kahit hindi duty, 4) magaling sa english, 5) laging may hawak ng makapal na libro, 6) palaging competitive, 7) may sariling mundo, at 8) magaganda at gwapo =). Ang hindi nila alam, ganoon talaga kami. haha! Pero hindi pa dun natatapos ang kalbaryo bago ka maging isang ganap na nars. Kailangan mo munang ipasa ang exam na pinakakinatatakutan ng lahat (nursing board exam). Review palang, katakut-takot na kaechusan ang pinagdadaanan. At hindi pa din yun ang katapusan ng kalbaryo para maging isang ganap na nars. Mas mahirap ang naghihintay ng resulta. At kapag, nakasali ang pangalan mo sa listahan ng passers. Tsaraan! Hindi pa din doon nagtatapos ang hirap. Actually, simula pa lang.
Simula pa lang...
...simula pa lang ng unang yugto ng pagiging NARS.

Isa na akong ganap na rehistradong nars... legally and technically. Pero kahit ganoon, mas lalong kumapal ang ulap sa ulo ko...dumilim at lumabo. Wala akong idea kung ano ang susunod na step na gagawin ko sa aking buhay NARS. Nagsimula akong mag-apply sa iba't ibang ospital na malapit lang sa amin puro nga lang volunteer... oo! volunteer! Walang sweldo, walang allowance at kung minsan sa ibang malalaking ospital, ikaw pa ang magbabayad sa ospital sa serbisyong ginawa mo. Akala ng iba madaling maging isang nars...actually, madali nga lang. Madali kung ang puso mo talaga ay ang pagiging NARS. Merong nangantyaw sa akin isang beses. Ang laki daw ng tuition fee at gastos ng mga nag-aaral ng narsing pero pagkatapos eh magiging volunteer lang daw at kukurampot ang sweldo. Iyon ang akala nila. Hindi sa sweldo nasusukat ang kakayahan ng isang NARS. Sabi nga nila, "what is unique in the nursing profession is the service". SERVICE... as in service. Meron pang isa, wala daw kahihinatnan ang mga nars dito sa Pilipinas kaya ang iba nangingibang-bansa kasi andun ang pera. Kaya nga ngayon eh pinipilit nila akong maging volunteer for the sake of experience para itapon sa Qatar. But then, reality bites. Dagdag pa, dahil sa recession na laganap ngayon sa Amerika, ang ibang narses, pumapasok sa call centers dahil walang bakanteng ospital na pwedeng tumanggap sa kagaya namin. Meron akong kakilala, pagkatapos niyang maging RN, nagtrabaho siya sa call center for two years, pero kahit meron siyang well-paying job, ginive-up niya ito para mag-volunteer sa isang primary hospital. Narealize kasi niya na hindi siya nag-aral ng nursing para pumasok sa call center. Kung tutuusin, magaling ang ginawa niya at wala siyang pagsisisi. Bilib ako sa kanya.


Sa ngayon, pagvovolunteer muna ang pagkaka-abalahan ko sabay sa mga trainings na kailangan pang gawin bago ka makapasok ng tuluyan sa isang maayos na ospital. Alam ko, mahirap sa umpisa pero kung meron kang tiyaga at nasa puso mo talaga ang pagiging NARS, higit pa sa dolyar ang araw-araw na nakikita mong dahil sa akin, nakatulong ako at nakadugtong ng buhay ng tao.=)



Wednesday, September 15, 2010

Quota ng Pag-ibig ♥♥♥

May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di nila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebeldeng laban sa mga Amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda, hinahanap sakanila ang di mahanap na wala, hindi makapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabila ng building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitingnan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanma'y di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di niya malalaman kung sino nga ba iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away ng away kapag magkasama pero hindi naman makaya ang magkahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Meron pag umiibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch na lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig at meron namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, pinagnanasaan ang mga sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig s akanila dahil hindi nila kailanman malalaman na ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
mula sa aklat ni Ricky Lee (Para kay B)



Friday, January 1, 2010

The Longest Story We Ever Had

Far past these roads
There is a place
Where all our precious dreams remain
Someday i know
I'll find a way
To keep myself from holding on

Stay awake with the sound of my voice
I'm restless from the silence in the air
I want to be somewhere i can see the roads
A place where everytime you breathe a wish comes true
I want to be where love is real
And memories of distant days come to life again

Inside this room
Time will stand still as long as
We're not aware of change
The world outside
Leaves me behind by myself
There's no mercy for those who hold on

Stay awake with the sound of my voice
I'm restless from the silence in the air
I want to be somewhere i can see the roads
A place where everytime you breathe a wish comes true
I want to be where love is real
And memories of distant days come to life again

Wednesday, November 18, 2009

Tigang na Kaisipan

Tigang... ibig sabihin dehydrated.
O baka naman hypoxic. Maybe yes.
Nauubusan na nga ng hangin ang utak ko. Siguro kulang sa tulog.
Kulang sa tulog dahil maraming iniisip.
Iba-ibang tao, pangyayari, bagay-bagay. Kahit ano.
Ganyan ang senaryo ng utak ko kapag gabi.
Sabi ko nga, kung kelan tahimik at mapayapa ang kapaligiran,
doon sumisigaw ng malakas ang puso ko. Haha! So odd.
Wala na nga akong maisip na ilathala sa blog na 'to.
Pero pinipilit kong pigain hanggang sa maging tigang na nga.
Noong mga nakaraan araw, madami akong nabasang blogs na nakapagbigay sa akin ng inspirasyon na maglathala ulit ng mga akdang walang patutunguhan. Non-sense ika nga. Pero ayos na yun, at least may humor.☺Kaya eto, nakapag-post ulet ako. Mas masarap palang gamitin ang sariling lengwahe. Madaling sabihin, madaling maiintindihan. Muntik ko nang makalimutang Pilipino ako. Dati ko namang hinahabi ang mga akda kong walang kwenta sa salitang ito, naimpluwensiyahan lang ako. Parang nung dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Ah basta, mahina nga pala ako sa History. Hanggang dito na muna, kailangan ko nang ipahinga ang utak kong tigang sa walang kwentang kapararakan. Ciao!

Monday, March 17, 2008

i Really fake a smile when i see him...

Jeyvee...

The Drew behind the teardrops on my guitar. The one who's got enough for me to break my heart. He's the song in the car I keep singing but I don't know why I do. As he looks at me, I really fake a smile so he won't see that I'm wanting him, I'm needing him and I'm loving him. Because he has that girl, the girl he often talks about and I know... I really know that she's got everything that I have to live without.

Jeyvee...

He is the reason for the teardrops on my guitar. The man that keeps me wishing on a wishing star. He is the song I keep singing but I don't know why I do. He walks by me with that girl he's talking about. and I'm such a great pretender! I really can't breathe but it's so damn funny because I can't see anyone when he's with me. I know he's so in love and he has finally got it right. I wonder if he knows he's all I think about at night.

Jeyvee...

The ultimate reason for the teardrops on my guitar. The only one who's got enough for me to break my heart. He is the song I keep singing but I don't know why I do. He's the time taken up but there's never enough because he's all that I need to fall into.

Jeyvee is the reason for the teardrops on my guitar.