Saturday, November 6, 2010

Destined Kismet

Totoo ba talaga ang destiny?
Naniniwala ka ba sa destiny?

Meron ba talagang dalawang tao na nakatakda para sa isa't isa? Yung tipong kahit magunaw pa ang mundo, magkalayo man kayo ng milyon-milyong milya, ilang taong di magkita, makahanap ng iba, o kahit di mo pa siya nakikilala ngayon, against all odds, magtatagpo ulit kayo sa di inaaasahan pero nakatakdang pagkakataon.

Destiny ika nga... Oo, DESTINY...

Parang yung mga love stories sa movies na napanuod ko, mga librong nabasa ko, mga kantang narinig ko.

Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na kung di mo pa natatagpuan ang destiny mo, kahit mamatay ka pa, matatagpuan mo rin siya sa kabilang buhay?

Naku...destiny haunts me, as always... kahit saan ako magpunta, lagi mo pinapaalala sa'ken that you do exist.